dzme1530.ph

DOLE, inatasan nang maglabas ng circular para sa Special non-working day sa Dec. 26!

Inatasan na ng Malakanyang ang Dep’t of Labor and Employment na maglabas ng kaukulang circular para sa idineklarang Special non-working day sa Dec. 26.

Ito ay para sa pagpapatupad ng bagong holiday sa pribadong sektor.

Sasaklawin din nito ang holiday pay rules.

Ang mga trabahador na inoobligang mag-trabaho sa Special non-working days ay tatanggap ng karagdagang 30% sa kanilang arawang sahod.

No work, No pay naman ang ipinatutupad sa mga hindi magta-trabaho. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author