dzme1530.ph

DOLE, hindi tutol sa panukalang P100 wage increase

Hindi tututol ang Dept. of Labor and Employment sa panukalang P100 legislated minimum wage increase na isinusulong ni Senate President Juan Miguel Zubiri kasunod nang pag-apruba sa P40 na umento sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Ito ang binigyang-diin ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma na aniya’y “nothing is enough” pagdating sa isyu ng pagtataas ng suweldo, lalo na kung ikokonsidera ang kalagayan ng minimum wage earners at kanilang pamilya.

Subalit, iginiit ng kalihim na ang karagdagang pagtataas ng sahod makaraang aprubahan ang bagong wage hike ay dapat balansehin sa pangangailangan na lumikha ng bagong mga trabaho at makakuha ng patas na return of investments ang mga mamumuhunan.

Sa datos aniya ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa listahan ng mga establiyimento noong 2021, lumalabas na ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ay kumakatawan sa 99 na negosyo sa bansa.

Una nang sinabi ni Zubiri na hindi sapat ang P40 taas sahod sa NCR matapos niyang ipanawagan ang P150 across-the-board na daily minimum wage hike. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author