dzme1530.ph

DOLE Chief, inaasahang makatatanggap ng dagdag-sahod ang lahat ng rehiyon sa bansa bago matapos ang 2023

Inaasahan ni Dept. of Labor and Employment sec. Bienvenido Laguesma na makatatanggap ng dagdag-sahod ang lahat ng rehiyon sa bansa bago matapos ang taong ito.

Paliwanag ni Laguesma, ito ay dahil sa mga hakbang na ginagawa ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards(RTWPS) sa kasalukuyan.

Kamakailan, nang aprubahan ng National Wages and Productivity Commission ang wage increase orders na isinumite ng RTWPBS sa Cagayan Valley, Central Luzon, at Soccsksargen.

Sa ngayon, nasa anim na rehiyon na ang nakakumpleto ng kani-kanilang dagdag-sahod, kasama ang National Capital Region, CALABARZON, at Central Visayas. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author