dzme1530.ph

DOJ, walang nakikitang masama sa paglipat ng 10 Bilibid inmates sa piitan sa Mindoro

Walang nakikitang masama ang Department of Justice sa paglipat ng 10 persons deprived of liberty (PDL) mula sa New Bilibid Prison patungong Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Ginawa ni DOJ Spokesperson Mico Clavano ang pahayag, makaraang ilang partners ng inmates ang sumugod sa tanggapan ng ahensya sa Maynila, para alamin ang kondisyon ng kanilang mga asawa na inilipat ng kulungan nang hindi ipinaalam sa kanilang pamilya.

Sinabi ni Clavano na walang dapat ikatakot, dahil ang desisyon na ilipat ang PDLs ay mula kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at sa iba pang pinuno ng concerned agencies.

Idinagdag ng opisyal na tiniyak niya sa mga ginang na nasa maayos na kalagayan ang kanilang mga asawa at hindi mandato ng Bureau of Corrections at ng DOJ na saktan ang mga inmate. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author