Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) kay Vice President Sara Duterte, ang patas na pagsisiyasat sa umano’y banta nito laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ito ay sa kabila nang hindi pagsipot ng bise presidente sa hearing ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nagtataka naman si Justice Usec. Jesse Andres, kung bakit ayaw ni VP Sara na makibahagi sa proseso na posibleng mag-abswelto sa kanya mula sa criminal liability.
Nagbabala naman si Andres na ang pagpapadala ng sulat, gaya ng ginawa ng bise presidente sa NBI, ay hindi sapat dahil notarized affidavits aniya ang kailangan sa preliminary investigations. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News