Ipinahayag ngayong araw ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla ang kanilang paniniwala na gumagana pa rin ang sistema ng hustisya at demokrasya sa ating bansa.
Ito ay kaugnay sa nangyaring pag-abswelto ng Muntinlupa RTC sa kaso ni dating Sen. Leila de Lima na may kaugnayan sa illigal na droga.
Ayon kay Remulla, maganda para sa bansa ang nasabing desisyon dahil dito nakikita ang takbo ng demokrasya sa Pilipinas.
Sinabi ng kalihim na hindi pa niya nababasa o nakikita ang nasabing desisyon ng korte.
Paliwanag pa ni Remulla, nasa korte na rin daw ang pagpapasiya kung papayagan ang dating senadora na makapagpiyansa.
Muli rin inihayag ng kalihim na ipinaubaya na nila ang lahat sa public prosecutors at hindi na nila ito pinakialaman pa. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News