dzme1530.ph

DOJ, may nakikitang sabwatan sa NBI sa paglabas-masok ng inmates

Nadiskubre ng Department of Justice na mayroong sabwatan sa National Bureau of Investigation kung saan pinapayagan ang mga inmate na maglabas-masok sa pasilidad.

Ginawa ni DOJ Spokesperson Mico Clavano ang pahayag makaraang kumpirmahin na lumabas ng NBI Detention Facility ang inmate na si Jad Dera na nahaharap sa drug charges, noong Martes ng gabi, kasama ang anim na security officers.

Bumalik naman si Dera sa pasilidad, kasama ang kanyang escorts bandang hatinggabi, subalit inabangan ito ng mga agents sa mismong gate ng NBI.

Sinabi ni Clavano na nakarekober din ang NBI agents ng ilang baril, cash, at iba pang kontrabando mula sa grupo ng inmate. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author