dzme1530.ph

DOJ, isusulong ang paghahain ng kaso laban sa China kasunod ng pagkasira ng mga bahura sa bahagi ng WPS

Inirerekomenda ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kaso laban sa China kaugnay ng talamak na pagha-harvest ng corals sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kakausapin niya si Executive Secretary Lucas Bersamin tungkol sa tinawag niyang evil act na nakasisira sa kalikasan.

Naniniwala ang kalihim na magagawa ito ng bansa at maisusulong ang kaso laban sa China dahil hindi na aniya katanggap-tanggap ang ginagawa nito sa kalikasan.

Una nang iniulat ng Armed Forces of the Philippines ang pagkasira ng mga bahura sa Rozul Reef nang lisanin ito ng Chinese militia vessels. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author