dzme1530.ph

DOJ, iniimbestigahan na ang natagpuang bangkay ng inmate sa septic tank ng Bilibid

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na narekober na ang inmate na napaulat na nawawala simula noong July 15.

Sinabi ni Remulla na iniimbestigahan na ang lahat ng pangyayari at inaasahan niya ang komprehensibong report mula kay Bureau of Corrections Chief Gregorio Catapang Jr..

Aniya, patay at putol-putol ang bahagi ng mga katawan ang status ng inmate na natagpuan sa septic tank.

Inihayag ng Kalihim na magkakaroon ng mga rebelasyon sa mga susunod na araw kaya asahan ang mga announcement. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author