dzme1530.ph

DOJ, ibinasura ang apela ni suspended BuCor Chief Gerald Bantag

Ibinasura ng Department Of Justice (DOJ) ang Motion for Reconsideration na inihain ni Suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag para sa murder charges na isinampa laban sa kanya.

Kaugnay ito sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid at sa New Bilibid Prison inmate na si Jun Villamor na umano’y middleman sa krimen.

Sa nakaraang preliminary investigation hearings, hiniling ni Bantag sa lupon sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Rocky Balisong, na irekonsidera ang desisyon na nagbasura sa kanyang Motion for Inhibition.

Sa kanyang mosyon, tinukoy ng Suspended Bucor Chief ang murder complaint na isinampa niya laban kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Office of the Ombudsman.

Gayunman, ayon sa kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa, ibinasura ng DOJ ang kahilingan ni Bantag dahil wala itong naiprisintang bagong argumento.

Itinakda ang susunod na preliminary hearing sa ika-walo ng Pebrero.

About The Author