dzme1530.ph

DOJ, hinamong tuldukan na ang problema sa mga tiwaling tauhan sa B.I

Hinamon ni Sen. Grace Poe ang Department of Justice na tuldukan na ang problema kaugnay sa mga tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration.

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon na may mga employment visas ang naisyu sa daang-daang pekeng kumpanya.

Ayon kay Poe, nakaaalarma ang impormasyon at nagdudulot ito ng banta sa peace and order ng bansa.

Kailangan anyang tiyakin ng DOJ na tuluyan nilang matutuldukan ang iligal na sistemang ito at mapapatawan ng parusa ang mga tiwaling immigration personnel.

Nasaksihan naman na anya ng publiko kung paanong nakaapekto sa peace and order ang mga krimeng may kaugnayan sa mga POGO na pinapasukan ng mga foreign workers.

Nagbabala si Poe na magpapatuloy ang mga iligal na aktibidad kung patuloy namang bubuksan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang bansa sa mga illegal foreigners. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author