dzme1530.ph

DOJ, BOC sanib-puwersa para palakasin at paigtingin ang pag-uusig sa mga kaso

Nakipagpulong si Justice Secretary Jesus Crispin ‘’Boying‘’ Remulla kay Commissioner Bienvenido Rubio para talakayin ang Task Force ng Department of Justice-Bureau of Customs (DOJ-BOC) at paghusayin ang mga hakbang sa pag-uusig ng mga kaso.

Sa paghaharap ng DOJ at BOC pinag- usapan dito ang ilang mga polisiya at sirkular para resolbahin ang mga bottleneck at i-streamline ang mga komunikasyon, at pamamaraan para sa pagpo-proseso ng kaso.

Iminungkahi din ng BOC na magsagawa ng BOC-DOJ Legal Summit upang i-renew ang mga pangako at palakasin ang pang-unawa at kakayahan ng Bureau sa mga lugar ng pag-uusig at ang DOJ sa mga proseso ng customs, na kinakailangan sa matagumpay na pag-uusig ng mga kaso.

Si Remulla ay nagbigay din ng buong kooperasyon at suporta sa BOC sa pagtataguyod ng transparency at pananagutan at pagtiyak ng mahusay na pangangasiwa ng criminal justice system.

Dagdag pa ni remulla na “Tuloy-tuloy din na paiigtingin ng DOJ ang mga pagsisikap sa pagprotekta sa hangganan upang mapangalagaan ang interes at kapakanan ng mga Pilipino laban sa mga nakapuslit at hindi ligtas na mga kalakal na nagdudulot ng mga panganib sa ating lipunan.

About The Author