Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Department of Health (DOH) bunsod ng ₱11.2 billion na halaga ng mga gamot, medical supplies, pati na COVID-19 vaccines na natagpuang expired sa kanilang mga warehouse at health facilities noong nakaraang taon.
Sinabi ng COA sa kanilang 2023 annual report sa DOH, na-expire ang mga gamot, medical supplies, at mga bakuna nang hindi nagamit dahil sa kinapos na procurement planning at mabagal na distribution and monitoring systems na nagresulta sa pagsasayang ng pondo at resources ng pamahalaan.
Idinagdag ng audit body na bukod pa ito sa ₱65.444 million na malapit nang ma-expire na inventories na nadiskubreng “unutilized and undistributed” sa DOH offices at health facilities, As of dec. 31, 2023.
Binigyang diin ng COA na ang mga gamot na malapit nang ma-expire, na nananatili sa ilalim ng DOH inventories, ay mayroong shelf life na hindi lalagpas ng isang taon, kaya nahaharap na naman ang gobyerno sa panibagong pagsasayang ng pondo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera