Pinaglalatag ni Sen. Francis Tolentino ang bagong liderato ng Department of Health ng mga bagong ideya upang mahikayat ang mga Pinoy nurses na manatili sa bansa.
Sinabi ni Tolentino na dapat ngayon pa lamang ay magkaroon na ng mga rekomendasyon ang DOH para sa budget cycle sa susunod na taon kaugnay sa mga upgrades sa kapakanan ng mga nurse upang hindi na sila mangibang bansa.
Pangunahing problema anyang kanyang nakikita sa local nursing industry ay ang isyu ng mababang kompensasyon, mula man sa government hospital o private medical institution.
Iginiit ng senador na sadyang malaki gap ng sahod ng mga nurse dito sa Pilipinas at sa ibanh bansa.
Ito anya ang malaking dahilan kaya’t mas marami ang mga nurse ang pinipiling magtrabaho abroad.
Inayunan naman ni Health Secretary Ted Herbosa ang obserbasyon ni Tolentino kaya’t nakikipag-ugnayan na anya siya sa Professional Regulations Commission (PRC) upang i-relax ang licensing rules upang payagan ang employment ng mga nurse sa government health facilities na mga fresh graduates.
Ang problema kasi anya ang tanging mga lisensyadong nurses ang pinapayagan ng Civil Service na pumasok sa health sector.
Hiniling na anya niya sa PRC na mabigyan ng temporary license sa loob ng tatlong taon ang mga fresh gradute na nurses para pumasok sa government hospitals. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News