Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa heat exhaution o labis na pagkapagod at pagkahapo dahil sa init ngayong summer season sa bansa.
Ayon sa kagawaran, ilan sa mga sintomas nito na dapat bantayan ang pagkahilo, pagkapagod, pananakit ng ulo at kalamnan; pagduduwal, pagsusuka, labis na pagpapawis, at mabilis na tibok ng puso.
Kung hindi agad malalapatan ng lunas, maaari itong mauwi sa heat stroke na nakapipinsala sa utak at iba pang bahagi ng katawaran at maging sanhi ng kamatayan.
Pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na uminom ng maraming tubig at maligo, umiwas sa matataong lugar, at humingi ng tulong kung nakararanas ng heat exhaution.