Ibinahagi ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 15 karagdagang kaso ng nasugatan ilang araw makalipas ang bagong taon.
Sa nasabing bilang, 11 dito ay fireworks related injuries habang 4 ang tinamaan ng ligaw na bala.
Sa datos pa ng DOH, isang 44-anyos na lalaki na nauna nang naitala na nasugatan dahil sa paputok mula sa Ilocos Region ang sumakabilang buhay na rin kung kaya’t umakyat na sa dalawa ang kumpirmadong nasawi.
Ang 11 bagong kaso ng nasugatan sa paputok ay may edad 4 hanggang 72 taong gulang kung saan walo sa sampung kaso ay mga lalaki.
Karamihan ng mga ito ay dahil sa ilegal na paputok, habang ang mga sugatan bunsod ng ligaw na bala ay naitala sa CALABARZON na may isang kaso, dalawa sa Ilocos Region at isa sa Northern Mindanao.
Kaugnay nito, umaabot na sa 600 ang naitala ng DOH na kaso kung saan 592 dahil sa paputok, 1 dahil sa paglunok ng Watusi at 7 ang sugatan dahil sa tama ng ligaw na bala. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News