dzme1530.ph

DOH, nakapagtala ng 443 na bagong kaso ng COVID-19

Karagdagang 443 COVID-19 new cases ang naitala ng Department of Health, kahapon.

Ayon sa kagawaran, tumaas din sa 9,569 ang aktibong kaso na pinakamataas na naitalang bilang sa nakalipas na 16 na araw.

Lumobo naman sa 4,085,969 ang total case load kabilang ang 4,009,961 recoveries, habang nadagdagan ng dalawa ang death toll kaya’t sumampa na sa 66,439 ang COVID-19 fatalities.

Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinaka-maraming COVID infections sa nakalipas na dalawang linggo; matapos makapagtala ng 1,344 na kaso; sinundan ng CALABARZON, 493 at Davao Region, na may 446.

About The Author