dzme1530.ph

DOH nakapagtala ng 212 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umabot na sa 4,113,434 ang COVID-19 cases sa bansa.

Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 212 cases kahapon.

Nasa 2,914 ang aktibong kaso habang 135 ang new recoveries.

Nakapagtala naman ng 1 nasawi kaya’t tumungtong na sa 66,696 ang total death toll sa bansa dahil sa virus.

Samantala, ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, posibleng umabot sa 175 hanggang 225 ang COVID-19 case projection ngayong araw.

About The Author