dzme1530.ph

DOH, nagsumite na ng report sa Malacañang kaugnay sa COVID-19 response

Natapos na ng Department of Health ang kanilang pag-rereview sa COVID-19 response ng Pilipinas.

Sa plenary deliberasyon ng Senado, sinabi ng sponsor ng 2024 budget ng DOH na si Sen. Pia Cayetano na binigay na ng ahensya sa opisina ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang final report ng ginawa nilang review.

Ayon kay Cayetano, isa aniya itong technical review ng mga hakbang na pinatupad ng gobyerno para tugunan ang COVID-19 pandemic.

Nakapaloob din sa report na ito ang naitalang vaccine wastage ng bansa o ang bilang ng mga COVID-19 vaccine na hindi na nagamit.

Hindi naman na aniya kasama sa report ang kabuuang halaga ng nagastos ng bansa para sa pagtugon sa pandemya maging ang epekto ng ipinatupad na COVID-19 response sa ating national debt.

Ibinahagi rin ni Cayetano na maghahain siya ng resolusyon para maidetalye ng DOH sa Senado ang nilalaman ng report na ito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author