dzme1530.ph

DOH, nagpaalala sa paggamit ng inflatable pools ngayong panahon ng tag-init

Pinaalalahanan ng Department of Health ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak habang naliligo sa inflatable pools upang maiwasan ang posibleng pagkalunod.

Ayon kay Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kadalasang ginagamit ang inflatable pools para maibsan ang init ngayong panahon ng tag-araw.

Payo pa ng opisyal, regular na magpalit ng tubig sa inflatable pool upang maiwasan ang Gastrointestinal disease at Skin disease.

Samantala, nagbabala rin si Vergeire sa publiko kaugnay sa mga prduktong kemikal na ibinibenta online o sa mga palengke na ginagamit umano upang mapanatiling malinis ang tubig sa pool.

About The Author