dzme1530.ph

DOH, naglaan ng halos P2-M contingency fund para sa mga biktima ng Mayon

Naglaan ang Department of Health ng P1.8-M na contingency fund para makatulong sa mga apektado ng pag-a-alboroto ng bulkang Mayon, sa Albay.

Sa press conference, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na P303,000 na halaga ng logistics ang ipinamahagi na sa local government units na apektado ng aktibidad ng bulkan.

Ayon sa kalihim, mahigit 6,300 katao ang nananatili sa 18 evacuation centers sa Albay.

Mahigpit aniyang binabantayan ng DOH ang sitwasyon sa mga evacuation centers, lalo na’t kapag siksikan ang lugar ay malaki ang posibilidad na kumalat ang acute respiratory illness, pati na ang COVID-19 virus. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author