Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga sakit na maaaring makuha ng publiko bunsod ng mainit na panahon.
Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, ang mga bata at matatanda ang maaaring maapektuhan ng dry spell na sinasabing tatagal hanggang sa ikalawang bahagi ng taon.
Dagdag pa ni Herbosa, ilan sa mga sakit na maaaring makuha ay sunburn, heat exhaustion, at heat stroke.
Laganap din aniya ang water-borne at vector-borne diseases tuwing tag-init tulad ng acute gastroenteritis at dengue.
Magugunitang iniulat ng PAGASA na in-effect na ang El Niño at patuloy na mararanasan sa Pilipinas hanggang Hunyo ng taong 2024. DZME News