Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa maling impormasyon na kumakalat sa social media at online messaging applications kaugnay sa COVID-19 Omicron variant na XBB.
Partikular sa mga online post na nagsasabing ang XBB variant ay hindi nagtataglay ng tipikal na sintomas ng COVID-19 gaya ng ubo at lagnat.
Nilinaw naman ng kagawaran na kabilang sa mga sintomas ng virus ang sore throat, headache, fatigue, pananakit ng katawan, diarrhea, ubo at lagnat.
Samantala, hinikayat ng DOH ang publiko na agad kumonsulta sa kanilang physician o pinakamalapit na Health Facility para sa proper diagnosis ng mga nasabing sintomas.