dzme1530.ph

DOH, iginiit na wala pang outbreak ng walking pneumonia sa bansa

Kinumpirma ni Health Secretary Teodoro Herbosa na wala pang outbreak ng walking pneumonia sa Pilipinas.

Sa muling pagsalang ni Herbosa sa Commission on Appointments (CA), binigyang-diin ng kalihim na bagamat’ maraming kaso ng respiratory cases sa bansa ngayon, ito ay dulot na rin ng panahon.

Inamin naman ni Herbosa na tumataas ang kaso ng respiratory illnesses sa mga bata sa China at maging sa ibang mga bansa sa Europa, subalit hindi anay ito dahil sa bagong virus na nagdudulot ng walking pneumonia.

Maituturo aniya ito sa mga dati nang microbes, microplasma pneumonia, respiratory syncytial virus at influenza.

Kasabay nito, muling nagpaalala ang DOH secretary na ipagpatuloy ang health protocol na natutunan natin mula sa COVID19, kabilang ang social distancing, cough etiquette at pagsusuot ng face mask.

kung may sakit rin aniya ang mga bata ay huwag na silang papasukin para hindi na makahawa ng ibang bata sa eskwelahan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author