dzme1530.ph

DOH, 89 mga bagong kaso ng COVID-19, naitalaga

Walumpu’t siyam lamang na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH), pinakamababa simula noong Abril 2020.

Sa pinakahuling datos mula sa DOH, umabot na sa 4,073,203 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa, kabilang na ang 9,632 na mga aktibong kaso.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay nanguna pa rin ang National Capital Region sa may pinakamataas na kaso na nakapagtala ng 701.

Sumunod ang CALABARZON na may 381 cases; Western Visayas, 242; Davao Region, 204; at Central Luzon, 176.

Nadagdagan din ng 303 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling kaya umakyat na sa 3,997,792 ang total recoveries.

Apat naman ang naitalang mga bagong nasawi, dahilan para pumalo na sa 65,779 ang death toll.

About The Author