dzme1530.ph

DOF Usec. Cielo Magno, natanggap na ang official termination mula sa Malacañang!

Natanggap na ni Dep’t of Finance Undersecretary Cielo Magno ang Official Communication of Termination mula sa Malacañang.

Ibinahagi ni Magno sa social media ang kopya ng liham na may lagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin, at naka-address ito para kay Finance sec. Benjamin Diokno.

Ito ang nagsasaad ng “expiration” o pagtatapos ng tungkulin ni Cielo bilang Undersecretary ng DOF, at epektibo ito sa lalong madaling panahon.

Sa caption ng kanyang social media post ay sinabi naman ni Cielo ang mga katagang “May nanalo na po”.

Nagpasalamat naman ang dating opisyal para sa pagkakataong makapagsilbi sa bansa, at makakatulog na umano siya ng mahimbing dahil alam niyang ginawa niya ang lahat upang mapagsilbihan ang bansa at maitaguyod ang interes ng mamamayan.

Si Cielo ay inabisuhan ng Palasyo na mag-resign kasunod ng Facebook post na tila kume-kwestyon sa itinakdang mandated price ceiling sa bigas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author