dzme1530.ph

DOE, tiniyak na walang brown-out ngayong Summer

Pinawi ng Department of Enegy (DOE) ang pangamba ng publiko sa isyung ng posibilidad na brown-out ngayong panahon ng tag-init.

Ayon kay DOE Undersecretary Rowena Guevara, yellow alerts lamang o yung bahagyang pagnipis ng suplay ng kuryente ang kanilang inaasahan sa Luzon at Visayas grids na malabong mauwi sa pagkawala ng kuryente.

Matatandaang noong buwan ng Enero ngayong taon, sinabi ni guevara, na malaki ang tsansa na sumailalim sa yellow alert status ang Luzon simula Marso dahil sa mataas na demand ng kuryente.

Bukod dito, ilan pa umano sa naging sanhi ng mababang suplay ng kuryente ay ang scheduled maintenance ng Malampaya power plant at nakabinbing proyekto sa power generation, transmission at energy facilities.

About The Author