Nanawagan ang Department of Energy (DOE) na pabilisin ang rollout sa electric vehicles sa bansa.
Binigyang diin ng DOE na ang paglipat sa EVs ay inaasahang makababawas sa pagiging dependent ng bansa sa imported fuel at maisusulong pa ang mas malinis at energy-efficient na transport technologies.
Target ng ahensya na makapaglunsad ng 2,454,200 electric vehicles, na kinabibilangan ng mga kotse, traysikel, at motorsiklo upang makatulong sa pagsalba sa kalikasan at makalikha ng investments para sa bagong industriya pagsapit ng 2028.
Sa bahagi naman ng Department of Transportation, sinabi nito na bumabalangkas na sila ng roadmap para sa pag-shift ng transport sector sa electric vehicles. —sa panulat ni Lea Soriano