dzme1530.ph

DOE, nagbabala sa pagtaas ng singil ng kuryente sa panahon ng tag-init

Nagbabala ang Department of Energy (DOE) sa inaasahang pagtaas ng power demands sa panahon ng tag-init kung saan ninipis ang suplay ng kuryente.

Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla, asahang aabot sa 4,012 megawatts ang power demand sa Luzon grid, 354 megawatts sa Visayas, at 802 megawatts sa Mindanao.

Ibinabala rin ng kagawaran na mahaharap sa 12 yellow alerts Luzon grid sa pagitan ng buwan ng Marso hanggang Nobyembre dahil sa kakulangan sa power reserves.

Dahil dito, pinayuhan ng DOE ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente upang maiwasan ang pagtaas ng demand.

About The Author