dzme1530.ph

DOE at NIA, lumagda sa kasunduan para sa paggamit ng irrigation facilities sa paglikha ng renewable energy!

Lumagda sa kasunduan ang Dep’t of Energy at National Irrigation Administration para sa paggamit ng irrigation facilities sa paglikha ng renewable energy.

Sa seremonya sa Malakanyang ngayong Huwebes, sinelyuhan nina DOE Undersecretary Sharon Garin at NIA Chief Eduardo Guillen ang memorandum of agreement.

Sa ilalim nito, gagamitin ng DOE ang mga kasalukuyan at itinatayong facilities ng nia upang pagkunan ng renewable energy, para sa layuning makapagbigay sa publiko ng malinis at abot-kayang enerhiya.

Ito ay alinsunod din sa mithiing makamit ang 35% na renewable energy source sa bansa pagdating ng 2030, at 50% pagsapit ng 2040. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author