dzme1530.ph

DND, itinuturing na probokasyon ang bagong regulasyon ng China sa South China Sea

Inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr., na maituturing na probokasyon, ang banta ng China na pag-aresto sa mga sibilyang maglalayag sa South China Sea.

Aniya, ang hakbanging ito ng Beijing ay “paglabag sa pandaigdigang kapayapaan” na masasabing isa nang “international concern.”

Dagdag pa nito, hindi lang paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kundi isang violation din sa United Nations Charter, na sya namang responsable sa pagprotekta sa mga banta o agresyong nararanasan ng isang bansa sa harap ng agawan sa teritoryo.

About The Author