Isang Memorandum of Agreeement ang napagkasunduan ng Department of National Defense (DND), Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG) na magkaroon ng insurgency-free para umusbong ang turismo sa rehiyon ng Mindanao.
Ang pagsasanib-pwersang ito ay bahagi ng policy framework ng R.A. 9593 na kilala rin Tourism Act of 2009 na naglalayon palakasin ang turismo sa buong Mindanao.
Nagpapasalamat naman si Usec. Angelito M. de Leon ng Plans and Program ng DND, dahil isa ito sa kauna-unahang pagkakataon na magkaroon ng suporta ang bawat ahensya para mapalago ang turismo sa Mindanao na nasira dahil sa mga armed conflict.
Dagdag pa ni de Leon ang Technical Working Group ang magbabalangkas ng natukoy na MOA para maging matagumpay ang mga proyekto ng turismo at masigurong ligtas ang mga biyahero o turista sa buong Mindanao. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News