dzme1530.ph

DND, diskumpyado na sa usapin ng Code of Conduct sa South China Sea

Tinawag na “Ironic” ng Dep’t of National Defense ang pag-arangkada ng ikalawang bugso ng negosasyon sa pagbuo ng code of conduct sa South China Sea, na pinangungunahan mismo ng China.

Ayon kay Defense Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., tila katawa-tawa ang pagho-host ng China sa usapin ng Code of Conduct, gayong noong makalawa lamang ay lantaran nilang binaboy ang International Law.

Kaugnay dito, naniniwala si teodoro na wala nang “good faith” o katapatan na maaasahan pa mula sa China.

Iginiit ng DND Chief na nararapat lamang na magbigay ang China sa Pilipinas ng totoo at hindi baluktot na paliwanag. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author