Sa pagbisita ni Admiral Lee Jong- Ho, hepe ng Naval Operation ng Republic of Korea, pinagtibay ng dalawang bansa ang relasyon at kooperasyon nito sa isat-isa.
Ayon kay Asec. for Strategic Assessment and International Affairs Pablo M. Lorenzo, ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Republic of Korea ay nagpapatunay na ang dalawang bansa ay handang tugunan ang mga pananagutan nito sa isat-isa gaya ng pagpapalakas ng Naval Forces.
Pinagtibay din ng dalawang bansa ang bilateral defense cooperation, partikular ang maritime security kung saan napagkasunduan ang Jointly Develop Maritime Domain Awareness.
Nagagalak naman ang bansa, dahil sa suportang ibinibigay ng Republic of Korea sa Philiippine Navy, gayundin sa Armed Forcess of the Philippines.
Matatandaang, ang Republic of Korea ay isa sa mga aktibong nakilahok sa AFP Modernization Program kung saan nakabili ang pamahalaan ng FA-50s, Frigates at Pohang-Class Covettes. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News