dzme1530.ph

DMW Sec. Toots Ople, naghain ng dalawang linggong bakasyon

Naghain ng dalawang linggong bakasyon si Migrant Workers Sec. Susan “Toots” Ople matapos ang magkasunod na pagpanaw ng dalawa niyang nakatatandang kapatid.

Sa statement ng Department of Migrant Workers (DMW), nag-request si Ople ng two-week break upang makasama ang kanyang pamilya at para asikasuhin ang kanyang mga pangangailangan sa kalusugan.

Pinasalamatan din ni Ople si Pang. Ferdinand Marcos Jr. hindi lamang sa dahil sa pagpayag sa kanyang request, kundi pati sa personal nitong pakikiramay.

Humiling din ang kalihim ng panalangin para sa kanyang dalawang kapatid na si dating Hagonoy, Bulacan Mayor Felix “Toti” Ople at dating journalist na si Blas F. Ople jr., na magkasunod na nawala sa kanilang pamilya sa pagitan lamang ng limang araw. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author