Hinimok ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga overseas filipino workers na apektado ng lindol sa Japan na tumawag sa kanilang hotline sakaling kailanganin ng tulong.
Nabatid na niyanig ng 7.6 magnitude na lindol ang west coast ng Honshu sa Japan kahapon.
Ibinahagi sa isang X post ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac ang mga numerong maaaring tawagan sakaling kailanganin ang kanilang tulong.
DMW-OWWA Japan help desk hotline 138/+632 1348 (abroad)
DMW-MWO-OWWA Osaka hotline +81 7022756082 at +81 7024474016
Ipinanalangin naman ni Cacdac ang kaligtasan ng lahat ng apektado sa nasabing insidente.
Kasunod ng malakas na lindol, naglabas ng babala ang Japan Meteorological Agency ng tsunami warning sa coastal prefectures ng Ishikawa, Niigata, at Toyoma.
Samantala ayon sa PHIVOLCS, walang tsunami threat na nagbabadya sa Pilipinas mula sa nasabing lindol.