dzme1530.ph

Dist. supervisor ng DepEd sa Bohol, patay sa pamamaril ng riding in tandem

Binawian ng buhay ang isang public school district supervisor ng Department of Education (DepEd) matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Inabanga, Bohol.

Kinilala ang biktima na si Noel Duavis, 51-anyos, residente sa bayan ng Buenavista.

Batay sa imbestigasyon ng otoridad, sakay ng kotse si Duavis na pauwi na sana nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Agad namang itinakbo ang biktima sa ospital pero idineklara din itong dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad upang matukoy ang motibo ng nasabing pamamaril.

About The Author