dzme1530.ph

Disqualification Case laban kay Erwin Tulfo, ibinasura ng COMELEC

Ibinasura ng COMELEC 2nd division ang Petition for Disqualification laban kay Erwin Tulfo na nominee ng ACT-CIS Partylist sa nakaraang 2022 elections.

Ayon sa poll body, dinismis ang petisyon dahil sa kawalan ng hurisdiksyon, kasabay ng paliwanag na alinsunod sa COMELEC Resolution, ang Petition for Disqualification ay dapat i-file anumang araw na hindi lagpas sa petsa ng proklamasyon.

Ang Petition for Disqualification laban kay Tulfo ay isinampa noong March 1, 2023.

Ang dating kalihim ng DSWD ay pang-apat sa listahan ng nominees na isinumite ng ACT-CIS sa COMELEC, kung saan ang unang tatlong nominees ay nanungkulan sa pwesto noong June 30, 2022.

Gayunman, ang third nomineee na si Jeffrey Soriano ay nag-resign sa Kamara noong February 22, 2023.

Sinabi ng COMELEC, bilang susunod na kinatawan sa listahan, otomatik na pupunan ni Tulfo ang binakanteng puwesto ni Soriano upang mapagsilbihan ang natitirang termino ng nagbitiw na mambabatas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author