Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang panukalang fare discount para sa Public Utility Vehicles (PUVs) at nakatakda itong ipatupad sa Metro Manila sa Abril.
Ayon sa LTFRB, ibabalik sa P9 ang pasahe sa traditional jeepneys habang P11 sa modernized jeepneys at mababawasan naman ng P3 hanggang P4 ang pasahe sa mga bus.
Gayunman, pinag-aaralan pa ng ahensya ang UV Express rates.
Epektibo ang bawas pasahe sa loob ng anim na buwan at una itong ipatutupad sa Metro Manila bago sa ibang kalapit lalawigan.
Paliwanag ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, sa sandaling ipatupad ang hakbang ay magiging dalawa ang diskwento para sa mga special group, gaya ng senior citizens, Persons with Disability (PWD), at mga estudyante.
Gayunman, ang discounted na pasahe ay pansamantala lamang at matitigil ito kapag nakonsumo na ang P2-B pondo na inilaan para sa service contracting program ng LTFRB.