dzme1530.ph

Dinurog na oatmeal, mainam sa balat!

Bukod sa mga benepisyong dulot ng oatmeal sa loob ng ating katawan ay mayroon din itong beauty benefits.

Ang dinurog na oatmeal ay maaring gamiting exfoliant na nag-aalis ng dumi, langis at dead skin cells.

May kakayahan din ito na makapag-moisturize, at mabawasan ang inflammation o pamamaga. Ginagamit ang oatmeal bilang home remedy para sa dry, itchy, o irritated skin.

Karaniwang inirerekomenda ng mga doktor na gamitin ang colloidal oatmeal para sa balat. Ang klase ng oatmeal na ito ay tila pinong pulbos at mainam na ikuskos sa mukha at katawan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author