dzme1530.ph

DILG, tumutulong na sa pagbaklas ng campaign mats ng mga hindi sumusunod sa election law

Ina-aasistihan ng Department of Interior and Local Government ang Commission on Elections sa pagbaklas ng election propaganda materials na hindi sumunod sa election law.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, bilang paghahanda na rin ito sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Okt. 30.

Aniya, ang DILG, LGUs at iba pang ahensya ng pamahalaan ay deputized ng Comelec upang tulungang siguruhin ang kaayusan sa halalan.

Nabatid na magsisimula ang election period sa Aug. 28 hanggang Nov. 29 ngayong taon.

Habang ang campaign period naman ay tatakbo sa Okt. 19 hanggang 28. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author