dzme1530.ph

DILG Sec. Abalos, napabilib sa aksyong ginawa ng probinsya ng Albay sa pagharap sa problema dulot ng mataas na aktibidad ng bulkang Mayon

Taas noo si Department of Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr. sa Provincial Government ng Albay para sa kahandaan ginawa nito ng mag-alboroto ang Bulkang Mayon.

Ayon kay Abalos, Napahanga sya sa kahandaang ipinakita ng Albay Provincial Government na magmula sa provincial government hangGang sa Municipal at City Mayor ay handa ang mga ito sa anumang possible contigencies na umakyat na sa Alert level 4.

Napasunod din nila ang mga residente na lumikas malapit sa Bulkan at maayos din ang evacuation center dahil narin sa pakikipagcoordinate nito sa DSWD.

Dagdag pa ng kalihim, palagiang nakaalalay ang DILG sa Albay Provincial Government sa anumang kailangang pang tulong na kakailanganin ng lalawin ng Albay. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author