dzme1530.ph

DILG, pinasusumite ng travel records ang Cebu provincial government kaugnay sa biyahe ng ilang opisyal sa UK

Loading

Hiniling ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Cebu provincial government ang pagsusumite ng mga dokumento kaugnay ng foreign travel authority ng ilang lokal na opisyal na bumiyahe sa London at United Kingdom sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Tino noong nakaraang linggo.

Batay sa ulat, inaprubahan ni Cebu Governor Pamela Baricuatro ang mga travel authority pa noong Setyembre.

Nakasaad sa pormal na komunikasyong ipinadala ng DILG Central Office sa Office of the Governor na kailangang isumite ang lahat ng kaukulang rekord bilang bahagi ng isinasagawang beripikasyon.

Kabilang sa mga opisyal na nabigyan ng travel authority sina:

  1. Catmon Mayor Avis Ginoo-Monleon
  2. San Francisco Mayor Alfredo Arquillano Jr.
  3. Tudela Mayor Greman Solante
  4. Poro Mayor Edgar Rama
  5. Pilar Mayor Manuel Santiago
  6. Compostela Mayor Felijur Quiño
  7. Liloan Mayor Aljew Fernando Frasco
  8. Cebu Provincial Board Member Andrei “Red” Duterte

Layunin ng imbestigasyon na tiyaking nasusunod ang mga alituntunin sa pagbibiyahe ng mga lokal na opisyal sa labas ng bansa, lalo na sa panahon ng kalamidad.

About The Author