Ibinasura ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang apela ng police official na sinibak ng Quezon City People’s Law Enforcement Board dahil sa pagkakasangkot nito sa kaso ng hit-and-run,
Sa 10 pahinang desisyon, ibinasura ng dilg dahil sa kawalan ng merito ang apela ni Police LT. Col. Mark Julio Abong kaugnay ng dismissal nito bunsod ng hit-and-run at drunk driving incident noong Aug. 2022 na ikinasawi ng isang tricycle driver at ikinasugat ng isang pasahero.
Kamakailan ay laman ng balita ang sinibak na police official makaraang arestuhin dahil sa umano sa pananakit at pagpapaputok ng baril sa labas ng isang resto bar sa Quezon City.
Si Abong ay sinampahan ng patong-patong na kaso, gaya ng illegal disharge of a firearm, paglabag sa COMELEC gun ban, physical injury, slander by deed, at disobedience upon ang agent or person of authority. —sa panulat ni Lea Soriano