dzme1530.ph

DILG, pinaghahanda ang mga LGU para sa darating na El Niño

Isang memorandum circular ang ipinakalat ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. na nag-uutos  sa lahat ng mga local chief executives na maghanda para sa matagalang tag-init sa bansa.

Matatandaang, naglabas ang Department of Science and Technology- PAGASA ng El Niño alert na mararanasan sa susunod na tatlong buwan at  posibleng magtagal hanggang sa unang bahagi ng taong 2024.

Hinihikayat ni Abalos ang lahat ng mga LGU na gumawa ng mga hakbang na makakatulong na mapagaan ang magiging epekto ng El Niño sa kani-kanilang mga bayan.

Kabilang na rito ay agarang paglalabas ng ordinansa ukol dito at maging sa pagsasagawa ng malawakang information drive hinggil sa tamang pagtitipid sa tubig at kuryente. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

“Conserving water is one of the key actions needed to be taken to mitigate effects of El Niño and as public servants, we must set an example. These precautionary steps, albeit small, can make a big difference that can affect our communities,” — DILG Sec. Abalos

About The Author