dzme1530.ph

DILG nakahanap ng kakampi para paigtigin ang Community-Based Drug Rehabilitation program

Nagsanib-puwersa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at United States Agency for International Development (USAID)-RenewHealth, upang palakasin pa ang Community-Based Drug Rehabilitation (CBDR) Anti-Illegal Drug Program, kahapon.

Kasama rin dito ang turnover ng iba’t ibang community-based drug rehabilitation materials at learning modules ng RenewHealth sa DILG bilang bahagi ng ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan’ BIDA program na ipinapakalat ng ahensya.

Sinabi ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr., na ang kolaborasyon na ito ay naglalayong maisakatuparan ang iba’t ibang drug-demand activities tulad ng pagtiyak ng access sa evidence-based at culturally appropriate tools na sumusuporta sa pagpapatupad ng CBDR; pagpapakalat ng research at best practices ng CBDR, substance use prevention at re-integration program; at capacity-building para sa mga CBDR program managers at service providers ng local government units (LGUs).

Sa pamamagitan ng MOU, magkakaloob ang USAID ng tools at materials ukol sa Social Behavior Changes Communication (SBCC) at CBDR; capacity building at information management platforms para sa CBDR; advocacy events para itampok ang mga best practice ng CBDR; at evidence-based na mga polisiya at batayan ukol sa CBDR.

Ang partnership ‪ay opisyal na inilunsad sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng DILG at USAID. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author