dzme1530.ph

DILG, 25 PNP high-ranking officials di pa nag susumite ng courtesy resignation

Dalawampu’t lima pang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang hindi pa nakapagsusumite ng kanilang courtesy resignation, mahigit isang linggo mula nang manawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na 928 o 97% ng kabuuang 953 full Colonels at Generals sa buong bansa ang nakapaghain na ng kanilang resignations.

Aniya, karamihan sa mga natitirang resignations ay inaasahang magmumula sa Visayas at Mindanao.

Noong Biyernes ay inihayag ni Abalos na hindi na kailangang isapubliko ang pangalan ng mga opisyal na may kaugnayan sa kalakalan ng ilegal na droga, kasabay ng paliwanag na hahayaan nilang tahimik na mag-resign ang mga opisyal at kung may sapat na ebidensya ay kakasuhan nila ang mga ito sa korte.

Isang 5-member panel na ang mga miyembro ay hindi pa ina-anunsyo, maliban kay Baguio City Mayor at Retired General Benjamin Magalong, ang magre-review ng resignations at magrerekomenda ng magiging hakbang laban sa tinaguriang “Ninja Cops.”

About The Author