Target ng Bureau of Plant Industry na palakasin ang digital agriculture ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapabuti ng Research Centers at Smart Greenhouses.
Ang digital agriculture ay tumutukoy sa mga kagamitan at iba pang communication equipment na kakalap digitally ng datos para sa agricultural analysis upang mapataas ang produskyon ng mga pagkain.
Ayon kay Gerald Glenn Panganiban, Director ng DA-BPI National Urban and Peri Urban Agriculture Program at High Value Crops Development Program, ang pondo na ipinagkaloob ng ahensya ay dapat na gamitin sa pagpapalakas ng research centers at pagpatatag ng smart Agri-Greenhouses sa mga piling lugar sa buong bansa para sanayin ang mga magsasaka at stakeholders na gumamit ng mga makabagong teknolohiya.
Sa kasalukuyan ang BPI ay may smart greenhouses na mayroong controlled watering, plant nutrition and pest monitoring at matatagpuan sa baguio at ilan pang tanggapan sa buong bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho