Nakapag-activate na ang Dep’t of Information and Communications Technology ng mahigit 9,500 free Wi-Fi access points sa buong bansa, sa ilalim ng Broadband ng Masa at Free Wi-Fi for All Program
Ayon sa DICT, ang kabuuang 9,547 free Wi-Fi sites ay nakalagay sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at 849 na lokalidad.
5,617 sa mga ito ay naka-pwesto sa geographically isolated at disadvantaged areas na hindi abot ng internet service providers.
Tiniyak ng DICT ang patuloy na pagsusulong ng digital transformation tungo sa mas konektado at mas maunlad na bagong Pilipinas.
Target ng ahensya na makapag-activate ng kabuuang 15,000 broadband ng masa sites bago matapos ang 2023. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News