dzme1530.ph

DICT, inirekomenda ang paggamit ng national ID system vs text scams

Maaaring gawing batayan ang National ID database para mas mabilis na matugunan ang problema sa SIM Registration.

Ito ang inihayag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa senate hearing para sa proposed 2024 budget.

Ayon sa kalihim, makakatulong ang naturang database upang mas mapabuti ang validation process ng SIM registration system.

Sa 80 hanggang 90 milyong naka-register na biometrics sa National ID System, mapapadali ang pagtukoy sa mga scammer at fake identities.

Hinimok din ni Uy ang telecommunication companies na magbigay ng listahan ng kahina-hinalang susbcribers, lalo na ang mga nagrehistro gamit ang Barangay at TIN IDs.  —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author